hay hay! hahah, tagal ko nang hindi na bisita ito nga pala meron nanaman akong i sshare sa inyo hahaha, pag may time kayo basahin niyo naman ito, pero binabalaan ko na kayo na kasuklamsuklam na yung takbo nung story hahaah ito yung link. http://www.wattpad.com/user/creatureofbed sana tignan niyo hahah, paki vote nadin saka comments nadin hahah mamats! tapos
0 Comments
Ayan Its been a while since the last time I updated this Blog of mine.
well, naging busy kasi ako sa isa ko pang blog try niyong tignan yun ito yung link http://creatureofthebed.tumblr.com try niyo rin yan you'll be hearing a lot frome there, kasi yan na yung madalas kong buksan ngayon eh. pero still uupdate ko parin ito after all this were my first love...... well this have been Zeke 13! Itong ang pinaka malapit na kaibigan ko sa loob ng UE sila yung nakasama sa sa up's and down's ko habang nag nag-aaral, i ba sa kanila ay naging best friends ko pa!(akalain mo yun?!) pero lahat sila ay malapit sakin hindi magiging kompleto ang college life ko pag wala sila, kahit na madalas eh, nag kakaway, eh normal na yun ang plastic naman namin pag di kaming nag ayaw-ayaw right???? normal yun sa mga totoong mag kakaibigan. yung mga larawanan na pinaskil ko dito ng walang pahintulot sila yung mga malalapit ko kaibigan....
-ZeKE13 Well, I'm posting this blog for me and for my Group mate for Thesis, we'll be needing all the lucks in this world, why?, simple because my group has limited as in limited time to finish the chapter 1-3, oo tama ang nabasa niyo,
at idadag-dag ko pa na iasang linggo lang namin tinapos ito, TAKE NOTE ISANG LINGGO, OO, isang linggo lang, pero kinaya nila, este namin! whahahahaha! dahil kailangan para matapos na ang pag hihirap namin dito. Pero okay lang kasi nga matatapos na makakapag trabaho na kami at kikita na ng sarili naming pera. Sige po hangang dito na lang muna. -ZeKE13 yes you read it rigth!, after ng ilang buwan! meron na ulit kaming net pero walang maayos na pc! whahahahaha!
ang gulo nuh! well atleast makikilala niyo ulit ako at ang magulo kong buhay! hehehehe, kamusta na kayo? na miss niyo ba ako o hindi? ako hindi whahahahaha!, as of now nag t-thesis na ako! means malapit na ako matapos sa paghihirap ko sa pag aaral ko! hehehehe. sige po hangang dito nalang po muna! - ZeKE13 Ayan ang tagal nanaman bago ko ulit nabuksan itong blog kong ito!
sa ngayon busy ako sa pag babasa parin ng mga books, kakatapos ko lang basahin ang kane chronicles book 1 &2, at ngayon narnia naman, book 2 palang ako, after nun, babasahin ko ulit yung harry potter (bakit?), mas masaya kayang basahin ang mga books na nabasa mo na, kasi mas naiindintihan mo yung mga pangyayari at yung mga twist sa book. ngayon nag t-thesis na din ako kaya mas i-expect niyo na sobrang minsan ko nalang mau-update itong blog ko. well maraming ngayanri sa buhay ko last three(3) months, sobrang haba kailangan ko gawan ng ibang entry, kaya next time ko nalang i-kwento sa inyo, sa ngayon bye muna at thanks! -ZeKE13 Nung bata ako lahat ay madali lang para sakin konting iyak meron na, konting pag mamaktol ibibigay na, konting pag ngunguso ko lang pag bibigyan na ako.
akala ko habang buhay ganun lang ang buhay pero mali ako!, hindi pala, kala lang pala ganun noon kasi bata pa ako lagi lang ako pinagbibigyan sa mga gusto ko. mali, at maling mali at tunay na mali talaga yung mga naging teacher ko noong musmos pa ako at wala pang paki-alam sa mundo na ang buhay daw ay magiging maganda pag walang lagpas yung pag lalapat ko ng kulay sa mga pinakukulayan nila sa loob ng class room dahil colourful daw ang mundo. Pero sa totoo lang hindi talaga ganun yun dahil maraming bagay ang makakapag pabulag sa mga mata natin pag labas natin ng class room at tanging mundo na walang kulay ang ating masasaksihan, at tangin mundo ng puro kaguluhan, mundo ng kalungkutan, mundo ng kagutoman, mundo ng pag hihinagpis, mundo ng luha, mundo ng sakuna ang makikita mo. At ito ang tunay na mukha ng ating mundo. Nasaan na yung mga pahina na aking nakulayan na may mga dahon na luntian, mga ilago na puti sa sobrang linis, yung mga ibong may kulay kayunmangi, dilaw, at asul, nasaan na rin ang dagat na kinulayan ko ng asul, at yung mga palay na ginuhit ko, yung mga bundok?, mga hayop na minsan mukhang na pag tripan dahil sa kulay na aking nailalapat, at yung bahay kubo na may pamilyang masayang namumuhay doon? Nasaan na sila? Nasaan na yung makulay na mundong ipinag mamalaki satin n gating mga butiin guro? Nasaan na yung wonderful world? Natin! -ZeKE13 Alin ba sa mga ito ang tunay kong kailangan?
laptop, cellular phone, sariling kwarto, pera, T.V. set, book(Novels), book(educational), book(inspirational), damit, pagkain. alin nga ba sa mga ito ang kailangan ko sa pang araw-araw kong pamumuhay, at alin ang luho lang. Minsan nasabihan ako ng isang importanteng tao sa buhay ko na hindi lahat ng bagay ay tunay mong kailangan. at alin naman sa kanila ang kailangan ko at mahal ko? Siya ba?, ang mama ko ba?, ang papa ko ba? ang kap[atid ko? mga pinsan ko ba?, mga tito ko ba?, mga tita ko ba?,mga lola ko ba? mga lolo ko ba? o yung mga kaibigan ko ba?, alin sakanila ang tunay at alin ang masasabing luho ko lang?,at alin sakanila ang cumucumpleto sa araw ko at aling ang sumisira? alin ba ang kainlangan mo at alin ba ang luho mo lang? sige po hangang sa muli! -Zea Kanina habang nanonood ako ng "sister act1" sa multimedia room ng UE, nag paramdam ang pinaka nakakatok na phenomenon (earth quake). pero ok naman ako kasi kung hindi ako ok edi hindi ako makakapag update nito blog na ito diba?!, pero yun na nga talagang kinabahan ako nun time na yun lalo na nung nilapitan kami ng librarian na lumilindol nga, pero bago yun kweno ko muna yung naramdaman ko: habang na kaupo ako at nanonood ng movie eh naradaman ko yung sahid eh parang gumagalaw ng patas baba, pero hindi ko pinansin kasi akala ko mag nag daan lang na mataba, pero nung tumigil yun wala pang isang minuto gumalaw nanaman ng pa-side ways na, at dun nga ako nakaramdam ng kaba, at dun na lumapit samin yung librarian na sinasabing wag daw kaming mag panic kasi nga lumilindol na nga daw, tapos nun tumayo ako mas lalo ko na ramdaman yung pag yanig, nahilo pa nga ako eh, at hangang ngayon kinakabahan parin ako, lalo na sa after shocks na madalas eh masmalakas kaysa sa lindol talaga.
sana wala nang sumunod pa ganun, pero pag katapos nun marami akong na obserbahan, yung ibang student eh hindi man nag punta sa open area na kung saan eh walang pwedeng malaglag, tapos nung na bus namang na ako pauwi eh ganun parin parang walang pwedeng sakuna! pinuno parin nila ang bus na parang wala na bukas! paano nalang kung kainlangan lumabas hindi agad makakalabas diba!, tapos yung iba eh, hindi manlang mangamba sa sarili nilatuloy parin sila sa pag gimik nila, kahit na alam na nila na may hindi magangang nang yayari sa kaninalng paligid. basta ito nalang ang masasabi ko kailangan na talaga nating mag ingat lahat at maging alerto. at dapat hindi mag panic laging isipin na mas mapapasama lang kung tayo ay mag papanic. sige po magandang gabi po! at ingat kayong lahat, at God Bless! -ZeKE13 kelan ko kaya makukuha ang mga bagay na gustong makuha?
unang una sa lahat gusto ng peace of mind. pangalawa gusto ko ng privacy. ikatlo gusto ko pumayat. Gusto ko ring makatapos ng maayos at matinong libro. tapos gusto ng bagong phone(iphone4, or blackberr(kahit ano basta blackberry)), tapos gusto ko rin ng laptop, gusto ko rin ng bagong damit, sapatos, at bag, gusto ko rin ng bagong salamin or contact lens, gusto ko rin ng bagong libro(kahit kakabili ko lang kahon ng bago), gusto ko rin ng bagong kabinet, gusto ko rin ng bagong (ah) basta bago. ganyan ako pag nakahiga sa aking kama at sawa na sa pag babasa ng libro, sa pang aasar sa kapatid kong pikon, at mag bilang ng sanang pero ko ngayon kung hindi ako gumastos. Pero ang tanong ko kelan nga ba? kelan ko pa makukuha ang mga ito? at paano? sana sa mas madaling panahon, at sana pag nakuha at nakamit ko na itong mga ito eh, maging masaya naman ako, kasi sa nakikita ko ngayon pala eh mukhang malaki ang mag babago sakin, at mababago sakin, sa ngayon gusto ko ng ganito kasi wala pa ako pero pag meron na kaya ako ano naman kaya ang gagawin ko? pero isa lang ang malamang na gagawin ko, i-ta-take for granted ko rin ang mga ito kasi ganun tao ako eh! sige po salamat sa pag babasa! -ZeKE13 |